Feb 1, 2021
Man, this stuff is good. Di ko lubos akalain na pinanood to ng mga normie kong kaibigan tapos di man lang sinuggest sa akin.
THE VISUALS / ANIMATION
Di ako sanay sa CG films ng Japan kase (let’s be honest) ang CG ng Japan ay parang di talaga CG. Para syang nasa gitna ng 2D at 3D. Ang magandang example ay gaya ng CGI parts ng DBS Broly or yung models ng DBFZ. Pero kahit na ganon; ang astig pa rin ng visuals. Sa ilang scenes para kang nanonood ng “Spider-Man: Into The SpiderVerse” at naglalaro ng isang Dating Simulator (kung di nyo alam kung ano
...
yon, ask Jet). Sa sobrang ganda ng visuals, mejo nalula ako sa panonood. Gaya nung pinanood ko yung Broly sa sinehan. Though, I wonder, kung nalula ako sa panonood sa device; paano pa kaya yung mga nanood sa sinehan?
THE MUSIC
I-search nyo na lang sa YouTube, “Hello World OST” para maintindihan nyo sinasabi ko. And by “nyo”, I mean kayong tatlong tao na nag-sayang ng oras para basahin tong review ko. The music is good. Like; IT IS SO GOOD. Yung mga insert songs pwede mong gawing study music. It’s relaxing and energetic at the same time. And I’m not just talking about the beat, pati na rin sa lyrics. Kadalasang di nagma-match yung lyrics or story ng kanta sa story sa movie, but this time, it did. And I like it.
THE STORY
It’s nice. Kung ang “Fireworks” ay sobrang panget ng kwento na maiku-kumpara mo sa kalawang, this one is gold. Habang nanonood ako, nagre-release sya ng “Spider-Man into the SpiderVerse” vibes at “Neon Genesis Evangelion na rin. It tackles about what is illusion and what is reality. It is year 2027. Lahat ng bagay ay monitored at recorded ng AllTale. So, etong si Future Naomi Katagaki (10 years from the future)ay pumunta sa past para baguhin ang isang moment ng buhay nya na nag-tanggal ng future nya. Which is ang kamatayan ng kanyang girlfriend na si Ruri Ichigyou. Nakipag-meet sya sa kanyang past self (which is yung main protagonist) upang baguhin ang recorded history. Pagkatapos mabago ng recorded history, kinuha ni Future Naomi ang consciousnesses ni Ichigyou upang gisingin ang brain dead na si Ruri sa hinaharap. After ng scene na yon, nai-turo ng movie ang isang lesson na never ko pang nakita sa ibang anime series, pero Nate-experience sa totoong buhay. Yon ay marami tayong bagay na gustong mangyari o matupad, pero minsan ipagka-kait satin yon ng tadhana. At sa oras na magkaroon ng tiyansang tuparin ang mga di nangyari, susunggaban natin yon kahit ano pa ang maging kapalit. At yon ang ginawa ni Future Naomi. Pero dahil sa ginawa nya; nag-cause sya ng problema sa sarili nya, kay Ruri at sa past self nya. In the end; pinili nyang maging responsable at harapin ang consequences ng kanyang selfish act. Relatable ang character nya sa mga adults at good example naman sa mga batang takot sa consequences. I love this anime movie so much. Dineliver nila yung message na gusto nilang i-hayag without making any bullcraps sa storytelling (di gaya ng Fireworks). Malamang pasok to sa TOP 10 Anime Movies ko. Hehe.
8/10
Reviewer’s Rating: 8
What did you think of this review?
Nice
0
Love it
0
Funny
0
Confusing
0
Well-written
0
Creative
0Show all